115 probisyon ng BBL binago
MANILA, Philippines - Umabot sa 115 probisyon o 80 porsiyento ng original version ng draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang inamyendahan ng Senate Committee on Local Government na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos.
Nilinaw ni Marcos na hindi lahat sa nabanggit na mga probisyon ay nilapatan niya ng major amendments dahil ang iba ay pinalitan lang ng ilang salita o kaya ay binago ang punctuation marks.
Pero mayroon din aniyang inalis na mga probisyon, dahil ang iba ay kapareho sa 28 probisyon na inalis ng Kamara. Matatandaan na nangako si Marcos na isusumite niya sa Senado ang BBL noong August 3, subalit nabigo ito dahil sa mga pahabol na position at opinion papers ng mga kapwa senador.
Inaasahang isusumite sa Lunes, August 10 sa plenaryo ng Senado ang draft ng BBL. Sa Martes masisimulan na ang debate o ‘period of interpellation’.
- Latest