^

Bansa

Grace: ‘Bakit ngayon (ka) lang?’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinangkang kuwestyunin kahapon sa Senate Electoral Tribunal (SET) ang legalidad ng pagiging senador ni Sen. Grace Poe dahil sa isyu ng citizenship, pero agad itong sinagot ng senadora at sinabing wala siyang itinatago at isa siyang “natural born Filipino.

“Wala naman akong itinatago umpisa pa lamang, alam nyo ang aking pagkatao,” reaksiyon ni Poe.

Muling binanggit ni Poe na alam na ng lahat kung sino siya at saan siya natagpuan at kung sino ang nagpalaki sa kanya at bukas sa publiko ang kanyang pagkatao.

“Alam n’yo na ako’y natagpuan, alam n’yo kung sino nagpalaki sa akin, alam n’yong naki­pagsapalaran ako sa ibang bansa at bumalik dito,” dagdag ni Poe.

Ipinagtataka rin ni Poe kung bakit ngayon lamang may nagtangkang maghain sa SET ng isang “quo warranto petition” kung saan kinukuwestyon ang kanyang karapatan na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

“Tatlong taon na po ako sa senado, ngayon lang ito inilabas. Sabi nila dahil naghahanap pa sila ng dokumento noon, pero ang aking buhay ay isang bukas na aklat at sa pagkakataong ito ay masasagot na natin,” ani Poe.

Muli nitong ipinaliwanag na nag-renounce siya ng US citizenship Oktubre 20, 2010 bago nag-assume o pumirma sa panunumpa bilang chairman ng MTRCB noong October 21, 2010.

“At yan ay nakatatak sa aking cancelled passport. Kung kelan muling ginamit yan at yan po ay pwede naming iprisinta sa tamang korte, o sa tamang forum. Hindi po namin yan itinatago,” sabi pa ng senadora.

Mali rin aniya ang sinasabi ng ilan na gumagamit pa rin siya ng US passport sa kasalukuyan.

Tinangka kahapon ng isang Rizalito David na maghain ng petisyon sa SET pero hindi ito natuloy dahil wala siyang P50,000 na pambayad sa filing fee at P10,000 cash deposit.

Si David ay dati umanong chief of staff ni Sen. Robert Jaworski na nasibak dahil umano sa anomalya. Kumandidato rin itong senador noong 2013 pero natalo.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

GRACE POE

IPINAGTATAKA

KUMANDIDATO

KUNG

RIZALITO DAVID

ROBERT JAWORSKI

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SI DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with