Poe nagpasalamat kay PNoy
MANILA, Philippines - Nagpasalamat pa rin kahapon si Senator Grace Poe kay Pangulong Aquino kahit pa ang inendorso niyang presidential candidate para sa presidential election sa susunod na taon ay si DILG Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Poe, nagpapasalamat pa rin siya sa Pangulo dahil ibinilang siyan sa mga taong sa tingin niya ay puwedeng magpatuloy ang “Daang Matuwid”.
Sinabi pa ni Poe na patuloy pa rin niyang tatahakin ang Daang Matuwid dahil mas magiging makubuluhan ang nasabing adhikain kung marami ang susunod.
Idinagdag ni Poe na kinikilala niya ang pagnanais ni Roxas na makapagsilbi sa bayan bilang presidente.
Anya, kaisa siya sa hangarin na maipagpatuloy ang mga nasimulan na ni Pangulong Aquino.
Isa si Poe sa inaasahang tatakbong pangulo sa 2016 bilang independent candidate kahit pa hindi nakuha ang endorsement ni PNoy.
- Latest