Makabayan bloc paiimbestigahan ng House ethics sa SONA protest

MANILA, Philippines – Paiimbestigahan ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa Hous Ethics committee ang umano’y ginawang pambabastos ng mga miyembro ng Makabayan bloc matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Aquino.

Ayon kay Castelo, panahon na para aksyunan ng Ethics ang pattern ng mga hakbang ng Maka­bayan bloc para hindi na ito maulit pa.

Kakausapin pa muna umano ng kongresista ang iba pang lider ng Kamara para hindi palagpasin ang umano’y ginawang pagpapahiya sa kanilang guest noong Lunes na walang iba kundi si Pangulong Aquino.

Nilinaw naman ni Castelo na nirerespeto niya ang karapatan ng Maka­bayan bloc na maglabas ng hinaing subalit hindi ito dapat na ginawa sa paraang unparliamentary.

Maaari naman uma­nong lumahok ang mga militanteng kongresista sa protesta sa labas ng Kamara o kaya ay sa mga pulong balitaan at pwede din naman umanong mag-deliver ang mga ito ng privilege speech sa plenaryo para maglabas ng sintemyento.

Matatandaan na bigla na lamang naglabas ng mga placards ang Maka­bayan bloc pagkatapos ng speech ni PNoy noong Lunes.

Show comments