^

Bansa

Anti-dynasty upak kay VP

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisiguruhin ni Presidente Aquino na magkakaroon ng implementing law sa anti-dynasty provision ng Konstitusyon upang mawala na ang mga magkakadugo na humahawak ng political position sa gobyerno.

Ito ay mistulang “resbak” ni Aquino sa pagtiwalag sa Gabinete ni Vice President Jejomar Binay na ang tatlong anak ay humahawak ng elective post sa gobyerno kasama ang suspendidong Makati Mayor Junjun Binay, Rep. Nancy Binay at Sen. Nancy Binay. Magugunita na nagpatusada si Binay sa Pa­ngulo na “manhid” bagay na ipinagdamdam din ng Pangulo.

Kung papaano inupa­kan si Binay ay katakutakot na papuri naman ang ibinigay ng Pangulo kay DILG Sec. Mar Roxas na mistula na niyang inendorso ang kandidatura sa pagka-pa­ngulo sa 2016, sabi naman ng ilang political observers.

Ayon sa mga obser­vers, halata ang matin­ding galit ng Pangulo kay Binay na hindi man lang kasama sa mga miyembro ng gabinete na kanyang pinasalamatan sa kanyang State of the Nation Address kamakalawa.

Nagpakita ng pagkairita si Binay na kabilang sa dumalo sa SONA at nagmamadali itong umalis ng Batasan at hindi nagpain­terview sa media. Sinabi naman ng kanyang anak na si Congw. Abby Binay na hindi nila nararamdaman na sila ang pinapasaringan ni PNoy.

Bukod sa pag-okupa sa political positions ng kanyang tatlong anak, sa Office of the Vice President nagtatrabaho ang kanyang anak na si Anne at da­ting mayor ng Makati ang asawang si Elenita.

Maging sa pagbubukas ng Security Congress APAC kahapon ay wala pa ring reaksyon si Binay nang tanungin ng mga miyembro ng media liban sa pagsasabing “In due time.”

ABBY BINAY

ACIRC

ANG

BINAY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAR ROXAS

NANCY BINAY

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

PANGULO

PRESIDENTE AQUINO

SECURITY CONGRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with