^

Bansa

Online protest vs K-12 sinimulan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na rin ang online protest ng grupong Pa­rent’s Movement Againts K-12 (PMAK) ang kanilang mariing pagtutol sa pagpapatupad sa K-12 program ng pamahalaan.

Ayon kay Jovita Montes, tagapagsalita ng PMAK, layunin nilang ipamukha kay Pangulong Aquino at DepEd Sec. Armin Luistro ang paghihirap na nararanasan ngayon ng mga magulang sa gastusin sa pagpapaaral sa kanilang mga anak na lalo pang madaragdagan ang pasakit sa K-12 program.

Sinabi ni Montes, sa halip na unahin ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga makabuluhang serbisyo na may kaugnayan sa basic na pangangailangan ng mga mag-aaral ay dagdag na gastusin ang inaatupag ng DepEd sa pamamagitan na dagdag na dalawang taon sa pag-aaral.

Ani Montes, ang dapat resolbahin ng gobyerno ay ang overcrowded na classroom, kawalan ng magagamit na libro at upuan at mababang sahod ng mga guro.

Una rito ay lumusob sa tanggapan ng DepEd central office sa Meralco Avenue, Pasig City ang grupo ng PMAK noong Huwebes at kanilang isinumite ang may 15,000 lagda ng mga magulang na nagpapahayag ng kanilang mariing pagtutol sa ‘full implementation’ ng K-12 sa susunod na taon.

Aniya, hindi titigil ang kanilang grupo sa laban sa halip ay lalo pa nilang palalawakin ang kanilang protesta at maging ang iba’t-ibang social media ay gagamitin na sa kanilang krusada.

ACIRC

ANG

ANI MONTES

ANIYA

ARMIN LUISTRO

JOVITA MONTES

KANILANG

MERALCO AVENUE

MOVEMENT AGAINTS K

PANGULONG AQUINO

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with