^

Bansa

NPC ‘di kakalas sa coalition

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatili pa rin committed sa coalition na pinamumunuan ni Pangulong Aquino ang Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ito ang nilinaw ni NPC Secretary General at Batangas Rep. Mark  Llandro “Dong”  Mendoza matapos lumabas ang mga ulat na susuportahan ng kanilang partido sina Sens. Grace Poe at Chiz Escudero.

Giit ni Mendoza na ngayon panahon na ma­ingay ang mga isyung politikal ay malinaw ang kanilang mensahe na hindi sila humihiwalay sa coalition ng Pangulo.

Paliwanag pa nito, unfair sa mga miyembro ng NPC na napapangunahan dahil lamang sa mga espekulasyon.

Nilinaw pa ni Mendo­za na sa ngayon ang kanilang partido ay nagsasagawa pa ng konsultasyon sa bawat mi­yembro kaya hindi uman makakatulong kung may mga naglalabasang iba’t ibang pahayag at espekulasyon.

Dahil dito kaya wala pa umanong pinal na desisyon ang NPC sa kung sino ang susuportahan sa darating na 2016 elections taliwas sa naunang naglabasan na Poe-Chiz.

Sa ngayon ang malinaw lamang umano sa NPC ay ang patuloy nilang pagsuporta sa Aquino administration at sa layunin nitong good and honest governance.

ACIRC

ANG

AQUINO

BATANGAS REP

CHIZ ESCUDERO

DAHIL

GRACE POE

MENDOZA

NATIONALIST PEOPLE

PANGULONG AQUINO

SECRETARY GENERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with