Cedric Lee, dating alkalde ng Bataan pinaaaresto ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan ngayong Biyernes laban kina Cedric Lee at dating alkalde ng Bataan dahil sa kuwestiyonableng bank loans para sa isang proyekto.

Sinabi ni Sandiganbayan Third Division chair Amparo Cabotaje Tang na nakakita sila ng sapat na dahilan upang ituloy ang kasong graft at malversation laban kian Lee at dating Mariveles Mayor Angelo Peliglorio Jr.

Naglabas umano si Peliglorio ng P23.47 milyon at P14.05 milyon para sa Izumo Contractors Inc. ni Lee noong 2005 sa kabila ng kawalan ng audit guidelines at hindi pagsunod sa tama at legal na pamamaraan.

Hindi rin nasimulan ang pagpapatayo ng Mariveles public market kahit na mayroong advanced payment.

Ang Office of the Ombudsman ang naghain ng kaso nitong nakaraang buwan.

Nitong Abril 2014 ay nakulong si Lee dahil sa umano’y illegal detention ng kaso niya na isinampa ng aktor na si  Vhong Navarro.

 

Show comments