MANILA, Philippines - Isa na namang rekognisyon ang natanggap ng BDO Unibank (BDO) mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa katatapos lamang na 2015 BSP Stakeholders Awards.
Tinanghal ang BDO bilang “Commercial Bank that Generated the Largest Overseas Filipino Remittances” dahil sa consistent leadership ng bangko sa maayos na pagha-handle ng remittances ng mga Overseas Filipino Worker sa Pilipinas
Ang nasabing award ay natanggap din ng bangko nuong ?taong 2008, 2009, 2010 at 2014. Nakatanggap din ng Hall of Fame award ang BDO sa mga nasabing taon sa parehong kategorya.
Ang nasabing award ay isang pagpapatunay sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga commercial bank sa maayos na daloy ng OFW remittances sa buong mundo. Ito ay ipinagkakaloob sa commercial bank na siyang unang nakapag-generate ng pinakamataas na volume ng cash remittances mula sa mga OFW at sa respondent commercial bank, para naman sa timely at accurate submission ng bank reports sa BSP.
Isa pang award, ang Outstanding PhilPASS REMIT participant ay ipinagkaloob din sa BDO para naman sa notable performance nito ukol sa remittance volume na naipadala sa pamamagitan ng Philippine Payments and Settlement System (PhilPASS) ng BSP. Ang PhilPASS ang siyang nagsisilbing settlement arm para sa mga OFW remittances para sa ligtas at mabilis na transfer at settlement ng remittance funds na patungo naman sa benificiary accounts mula sa ibang bangko.