Kudeta vs Belmonte imbento lang-LP
MANILA, Philippines - Walang pagtatangka na maalis sa kanyang puwesto si House Speaker Feliciano Belmonte.
Sinabi ni Liberal Party (LP) Secretary General at Samar Congressman Mel Senen Sarmiento, na wala siyang balak na palitan sa puwesto si Belmonte katulad nang mga ipinakakalat na balita sa Kamara.
Ayon kay Sarmiento, siya at ang lahat ng miyembro ng LP sa Kamara ay mayroong isang prinsipyo at lahat ng umano’y kudeta laban sa Speaker ay pawang kasinungalingan lamang upang magkahati-hati ang kanilang partido.
Paliwanag pa ng kongresista, na sumama ang mga miyembro ng LP sa administration party dahil sa iisang idealismo at prinsipyo.
Ginawa ni Sarmiento ang pahayag upang pabulaanan na mayroong hakbang para patalsikin sa kanyang pwesto si Belmonte sa oras na bumalik ang sesyon sa Lunes.
Samantala, malaki naman ang tiwala ni Belmonte na hindi siya masisipa bilang lider ng Kamara.
Ayon kay Belmonte, anumang planong tanggalin biya bilang House Speaker ay hindi mangyayari.
Tiwala rin si Belmonte na matatapos niya ang kanyang termino kasama ang maraming accomplishments tulad ng pagpapatibay ng mahahalagang panukala.
Si Belmonte ay nahalal bilang House Speaker noong 15th Congress at na-reelect para sa 16th Congress.
- Latest