MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes ang listahan ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyong “Chedeng.”
Pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo kagabi at patuloy na tinutumbok ang Luzon.
Sinabi ni Undersecretary for Local Government Austere Panadero na siyam na rehiyon, 37 lalawigan at 71 lungsod ang maaapektuhan ng pangatlong bagyo ngayong taon.
Narito ang listahan:
Within 75-kilometer radius of the cyclone:
Abra
Aurora
Benguet
Ifugao
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Mountain Province
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Quirino
Within 150-kilometer radius of the cyclone:
Apayao
Bulacan
Cagayan
Camarines Norte
Catanduanes
Ilocos Norte
Pampanga
Quezon
Rizal
Tarlac
Zambales
Within 300-kilometer radius of the cyclone:
Albay
Bataan
Batangas
Camarines Sur
Cavite
Laguna
Marinduque
Masbate
Metro Manila
Northern Samar
Mindoro Occidental
Mindoro Oriental
Sorsogon
"Lumakas man o humina si Chedeng, ang mahalaga: maging handa at listo tayo," pahayag ni DILG secretary Roxas.
Inaasahang tatama sa kalupaan si Chedeng sa Sabado o Linggo.