Tekken character ipinangalan kay ‘Josie Rizal’, NCCA umalma

MANILA, Philippines – Nadismaya ang mga opisyal ng National Council for Culture and the Arts (NCCA) matapos na ipangalan ang isang Tekken 7 character na “Josie Rizal,” sa pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ayon sa NCCA kailangan na maitama ang  imahe ng national hero.

“Mahirap natin mapigilan ang ibang bansa na gumawa ng ganoong character kasi ang Pilipinas, sikat na sikat sa mundo,” ani Dr. Leodenito Cañete.

Giit ng NCCA, ang Tekken character ay nakasuot ng skimpy sports wear na kulay ng Philippine flag.

Pinag-aaralan na rin ng NCCA na gumawa ng ilang hakbangin upang maitama ang maling impresyon ni “Josie Rizal” kay Dr. Jose  Rizal.

Ang “Josie Rizal” na Tekken character ang unang Filipina sa “Tekken” series, na nagpa­pakita ng galing ng Filipino martial arts kabilang na ang eskrima at kickboxing ayon kay Bandai Namco Games’ Katsuhiro Harada.

Show comments