1 Pinoy patay, 3 sugatan sa bomb attack sa Libya
MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino workers ang nasawi sa pagsabog ng bomba sa Zawiya, Libya.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang insidente, kung saan sa ospital na nawalan ng buhay ang isang OFW.
"There were four of them who were injured by the bombing, and all of them were seriously injured," pahayag ni DFA Spokesperson Charles Jose sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Patuloy ang panawagan ng gobyerno sa mga Pilipino sa Libya na umuwi na ng Pilipinas upang hindi madamay sa gulo.
"Right now, because of the worsening situation there, we are intensifying our campaign to encourage our OFWs there to leave Libya and come back to the Philippines," dagdag ni Jose.
Hulyo pa ng nakaraang taon itinaas ng DFA ang crisis alert dahil sa agawan ng kapangyarihan at mula noon ay nag-aalok na ang gobyerno ng repatriation.
"The repatriation is a continuing process. As long as there are Filipinos who signify their intention to come back, we make arrangements for them.”
- Latest