MANILA, Philippines – Hinikayat ng environmentalist group na Ecowaste Coalition sa pamahalaan ang agarang pag-ban sa lahat ng uri ng plastic sa buong bansa hindi lamang ang paggamit ng plastic bags sa mga malls at ibang mga pamilihan.
Sinabi ni Cecilia Hedfors ng Swedish Society for Nature Conservation na lahat ng uri ng plastic sa bansa ay dapat iwasang gamitin dahil lahat ng mga ito ay may nakalalasong kemikal.
Sa kanilang ginawang pananaliksik, mula sa production ng mga plastic, paggamit dito hanggang sa pag-dispose sa plastic ay may taglay na epekto sa kalusugan ng mga tao at ng kapaligiran.