MANILA, Philippines – Si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang nanguna sa listahan ng mga indibidwal na may pinakamalaking binayarang buwis para sa taong 2013.
Sa inilabas na listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DZMM website, sa regular income tax hanggang noong Nobyembre 24, 2014, mahigit P163 milyon ang binayarang buwis ni Pacman.
Ito’y sa kabila ng mahigit P2 bilyon umanong tax liability nito para sa 2008 at 2009.
Pumangalawa sa top individual taxpayers for 2013 si Juanito Pornuevo Alcantara na nagbayad ng halos P100 milyon at pangatlo ang abogadong si Estelito Mendoza na nagbayad ng mahigit P73 milyon.
Ang ibang nasa top 10 ay sina: (4) Chico, Reynaldo Jr. Benoza - P67,340,888 (5) Tan, Andrew Lim (Megaworld Corp. founder and chairman) - P67,184,002 (6) Tan, Lorenzo Villanueva (Rizal Commercial Banking Corp. president) - P60,894,276 (7) Alvarez, Jose Chavez (Palawan governor) - P55,627,417 (8) Azcona, Vivian Que (Mercury Drug president) - P51,617,174.69 (9) Reyes, Oscar Sison (Meralco president) - P51,440,314 (10) Ayllon, Vicente Rafael Munoz (Insular Life chairman and CEO) - P50,088,841.
Ilang celebrities din ang pumasok sa top 20, sa pangunguna ni Piolo Pascual sa top 14 sa pagbabayad ng mahigit P42.5 milyong buwis.
Top 15 si John Lloyd Cruz na nagbayad ng halos P42 milyon at top 16 si Kris Aquino na nagbayad ng mahigit P40 milyong buwis.
Top 19 si Sharon Cuneta, P39 milyon at top 20 si Willie Revillame, P38 milyon.
Ilan pang artista na pumasok sa top 100 taxpayers - sina Anne Curtis na nasa top 36; Judy Ann Santos, top 44; Coco Martin, top 52; Vic Sotto, top 53; at Sarah Geronimo, top 99.
Top 101 naman si Dingdong Dantes.
Nanguna naman sa non-individual taxpayers for 2013 ang Smart Communications Inc. na nagbayad ng mahigit P10 bilyon.
Pumangalawa ang Meralco sa pagbabayad ng mahigit P9.6 bilyon at top 3 ang San Miguel Brewery Inc. na nagbayad ng mahigit P4.8 bilyon.