PNoy binatikos ng VACC
MANILA, Philippines - Binatikos ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang patuloy anyang pagsisinungaling ni Pangulong Aquino kaugnay sa naging pahayag nito sa graduation rites ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Cavite kamakailan.
Sa kalatas na ipinadala ni Dante Jimenez, founding chairman at pangulo ng VACC, sinabi nitong tinatangka anya ng Pangulo na iwasan ang tunay na isyu sa Mamasapano na tulad ng pahayag nito na papanagutin niya ang sinumang responsable sa pagkamatay ng 44 SAF troopers.
Pero ang tanong anya ay dapat ibalik sa kanya tulad ng kung sino ang nanguna sa operasyon para ipadala ang mga SAF commandos sa kamatayan. Sino ang nag-utos sa suspendidong PNP chief na si P/Director General Alan Purisima para makipag-ugnayan sa pag-aresto kay Marwan at Usman at hindi abisuhan si PNP OIC Leonardo Espina at AFP chief Gregorio Catapang.
Sabi ni Jimenez, malinaw na ang Pangulo ang responsable at hindi dapat na palampasin ang kanyang mga sinabi lalo na ang katanungang bakit walang dumating na rescue o bakit dumating itong late at marami pang tanong na nais na malaman para makuha ang tunay na hustisya sa mga nasawing SAF 44.
“The victims survivors and honest answers to these basic questions. Yet, the President refuses to be honest and to apologize. The President says he’ll take responsibility for the tragedy and then he goes repeating his lies like a tape recorder,” sabi pa ng VACC chairman.
- Latest