^

Bansa

Walang Pinoy sa bumagsak na German plane – DFA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang Pilipino sa 150 pasahero at crew na pinaniniwalaang nasawi sa pagbagsak ng German plane sa France.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Paris, walang Pinoy sa listahan ng mga pasahero ng Lufthansa’s Germanwings flight 4U 9525. Una nang naiulat na 144 pasahero at anim na crew ang sakay ng eroplano na biyaheng Barcelona, Spain-Duesseldorf, Germany.

Ayon sa Germanwings, 67 sakay ay pawang Germans habang ayon sa deputy prime minister ng Spain, 45 ang pinaniniwalaang Spanish. May isang naitalang Belgian.

Kabilang din sa sinasabing sakay ng eroplano ang 16 na estudyante at dalawang guro mula sa Joseph-Koenig-Gymnasium High School sa Germany.

Sa pinakahuling impormasyon, narekober na ang black box ng eroplano. (Ellen Fernando)

AYON

CHARLES JOSE

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

GERMANWINGS

JOSEPH-KOENIG-GYMNASIUM HIGH SCHOOL

KABILANG

LUFTHANSA

PILIPINAS

PINOY

WALANG PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with