MANILA, Philippines - Hindi papayagang makatakbo sa anumang public office ang mga walang degree sa kolehiyo.
Ito ang gustong mangyari ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaya nais niyang maamiyendahan ang nakasaad sa Konstitusyon kaugnay sa kuwalipikasyon ng mga nais mamuno sa public office bago isagawa ang eleksiyon sa 2016.
Ayon kay Santiago, dapat nagtapos man lamang sa kolehiyo ang nais kumandidato dahil sa ngayon kahit high school graduate ay puwedeng tumakbong presidente ng bansa.
Pinuna ni Santiago ang mababang kuwalipikasyon para sa mga nais kumandidatong presidente, gayong hind maaaring maging pulis ang mga hindi nagtapos sa kolehiyo o walang college degree.
“Right now a person can run for president without graduating even from high school. But you cannot become a policeman unless you have a college degree so we have to reconcile this contrarities in our society,” ani Santiago.
Dagdag pa ni Santiago na dapat pag-isipan ng mga kabataan ang mga “circus” sa pulitika at simulan ang voter’s education upang maiwasan ang korupsiyon.