Visita Iglesia sa internet

MANILA, Philippines - Naglabas na ng abiso ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga kababayan na hindi makakatungo ng personal sa mga simbahan para sa Visita Iglesia sa darating na Semana Santa.

Ayon sa CBCP, kahit nasa malayong lugar ang mga kababayan ay maari silang makibahagi sa Visita Iglesia sa pamamagitan ng website na http://visitaiglesia.net/ph/.

Aabot sa 44 na kilala at makasaysayang simbahan sa bansa ang matutunghayan sa website.

Payo ng  CBCP,  isapuso ang paghihirap at pa­nanampalataya sa Panginoon.

 

Show comments