Ampatuan army dawit sa SAF massacre

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kasali sa sagupaan sa Mamasapano ang private armed group ni da­ting Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ayon kay AFP spokes­man Brigadier Gen. Joselito Kakilala, karamihan umano sa mga miyembro ng private army ng mga Ampatuan ay umanib na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos masangkot sa Maguindanao massacre noong 2009.

Ang mga ito rin anya ay sumama sa grupo ng tumiwalag ng opisyal ng BIFF na si Mohammad Ali Tambako na nagtayo ng sariling grupo na Justice for Islamic Movement (JIM).

Kasalukuyang nakadetine si Ampatuan Sr. at ilan pang kaanak kaugnay ng 2009 Ma­guindanao Massacre.

Una nang lumutang na hindi lamang MILF at BIFF ang nakabakbakan ng PNP-SAF sa Mamasapano noong Enero 25 na ikinasawi ng SAF 44.

 

Show comments