Miriam may P2.6M followers

MANILA, Philippines - Nanatili si Senator Miriam Defensor-Santiago sa may pinaka­maraming followers sa social media sa hanay ng mga senador katulad ng Facebook at Twitter na nadoble pa ang bilang ngayong taon.

Sa statement ng tanggapan ng senadora, umabot na sa 2,618,263 ang kanyang followers sa official Facebook page noong Marso 18 mula sa 1.3 milyon noong 2014.

Umabot naman sa isang milyon ang sumusubaybay sa kanya sa Twitter sa unang bahagi ng taon pero lumago pa ito sa 1,348,420 noong Marso 18.

Si Santiago ang nag-iisang senador na uma­bot sa mahigit sa isang milyon ang followers sa dalawang social media platforms.

Sa Facebook sumusunod kay Santiago si Sen. Alan Peter Cayetano na may 543,744 followers.

Sa Twitter, si Sen. Pia Cayetano  ang ikalawa sa may “biggest following” na 359,330 followers.

Show comments