VP Binay umangat sa Pulse Asia
MANILA, Philippines - Patuloy pa ring nangunguna si Vice President Jejomar Binay sa huling Pulse survey ng Pulse Asia sa kabila ng mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.
Tumaas sa 29 na porsiyento ngayong Marso mula sa 26 porsiyento noong Nobyembre ng nakaraang taon ang rating ni Binay na isa ring housing czar at kasalukuyang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns.
Isinagawa ang survey noong Marso 1 to 7 na nagpapakita rin na nananatili sa number 2 si Sen. Grace Poe bagaman ang kanyang voter preference rating ay bumaba sa 14 na porsiyento mula sa dating 18 porsiyento.
Bahagya namang umangat ang rating ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada na umakyat sa 12 porsiyento mula sa dating pitong porsiyento habang nagtabla sila sa ikaapat na puwesto ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi kasama sa survey questionnaire noong una.
Sinusundan naman sila nina Senators Miriam Defensor-Santiago (9 percent) at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (6 percent).
Kabilang naman sa pangalawang hati ng listahan ng mga potensiyal na kandidatong presidente sina Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II (4 percent), Senators Francis “Chiz” Escudero (4 percent), Alan Peter Cayetano (3 percent) at Antonio “Sonny” Trillanes IV (2 percent), former Sen. Panfilo “Ping” Lacson (1 percent) at Philippine Red Cross chair Richard “Dick” Gordon (1 percent).
Nananatili sa unahan ng listahan si Poe sa mga potensiyal na kandidatong bise presidente. Gayunman, ang voter preference para sa senador ay bumaba sa 29 porsiyento noong Marso mula sa dating 33 noong Nobyembre.
Ang iba pang top 10 possible vice presidential aspirants ay sina: Escudero (16 percent), Cayetano (13 percent), Duterte (11 percent), Marcos (11 percent), Trillanes (6 percent), Estrada (4 percent), Franklin Drilon (3 percent), Bong Revilla (2 percent) at Camarines Sur Rep. Leni Robredo (0.4 percent).
- Latest