^

Bansa

4 SAF buhay pa ng paslangin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buhay pa nang brutal na paslangin ang apat sa nasawing 44 Special Action Force (SAF) commandos matapos makorner ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Base ito sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry na pinamumunuan ni P/Director Benjamin Magalong.

“Autopsy record 4 SAF commandos were shot at close range while they were still alive. Records also indicate that some SAF commandos stripped off their protective vest prior to being shot at close range,” paglalahad sa PNP-BOI report.

Sabog ang bungo at wasak ang dibdibng 4 SAF commandos na palatandaang binaril ang mga ito ng malapitan.

“Not all the 44 fatalities died during the actual firefight, but were literally executed at close range by the enemy,” sabi pa sa resulta ng imbestigasyon.

Isa rito ay si PO2 Joseph Sagonoy, na may tama lamang ng bala sa hita pero pinasabog ang bungo na kinunan pa ng video at ipinost sa Facebook ng pumaslang ritong MILF rebel.

Magugunita na hindi napigilang maluha ni PNP OIC P/Deputy Director General Leonardo Espina ng mabatid ang resulta ng autopsy na buhay pa ng paslangin ang ilan sa SAF commandos.

Sinasabing napintakasi ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang SAF troopers sa Brgy. Pidsandawan at Tukanalipao, Mamasapano.

Napatay sa operasyon ang wanted na si Jemaah Islamiyah JI terrorist Zulkipli Bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman pero naging kapalit nito ang buhay ng 44 SAF.

Ayon sa PNP-BOI report, 16 lang sa mga ninakaw na baril at isang cellphone ang isinoli ng MILF na tsinap-chop at pinalitan ang mga bahagi ng armas partikular ang mga nakakabit ditong modernong gadgets.

Lumilitaw din na depektibo ang M203 grenade launchers na dala ng SAF habang ang mga handheld radio ng mga ito ay hindi gumana matapos mabasa na hindi kasing-moderno ng mga gamit ng AFP na maari sa ‘military type of operations”.

Inirekomenda naman ng PNP-BOI na ipromote sa susunod na ranggo ang 15 nasugatang mga miyembro ng 84th SAF Seaborne Company at si PO2 Christopher Lalan, ang nag-iisang survivor sa 55th SAF Company dahil sa ipinakitang kabayanihan at gawaran rin ng posthumous promotion ang 44 SAF troopers.

vuukle comment

ABDUL BASIT USMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BOARD OF INQUIRY

CHRISTOPHER LALAN

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

JEMAAH ISLAMIYAH

JOSEPH SAGONOY

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with