Garin itinalaga nang DOH chief
MANILA, Philippines - Itinalaga na ni Pangulong Aquino si Usec. Janette Garin bilang kalihim ng Department of Health (DOH) matapos ang ilang buwang pagiging officer-in-charge nito makaraang magbitiw si Sec. Enrique Ona noong nakaraang taon.
Isinumite na rin ng Malacañang ang appointment papers ni Sec. Garin sa Commission on Appointments (CA).
Magugunita na itinalaga munang OIC ni Pangulong Aquino si Garin noong November 2014 matapos magbitiw si Ona.
Samantala, umugong din na ililipat ni PNoy bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC) si Communications Sec. Sonny Coloma.
Ayon naman kay Coloma, wala pa siyang impormasyon hinggil dito kaya mas mabuting hintayin na lamang muna ang magiging desisyon ng Pangulo kung magpapatupad ito ng revamp sa kanyang gabinete.
Napag-alaman ng PSN na mismong si CSC chairman Francisco Duque ang nagrekomenda umano kay Coloma na pumalit sa kanyang puwesto.
- Latest