Anti-BBL senators dinawit kay Napoles

File photo

MANILA, Philippines - Inginuso kahapon ng pork barrel scam witness na si Merlina Suñas na tatlong senador na kontra sa Bangsamoro Basic Law ang umano’y kumita at nagbulsa ng salapi mula sa dati niyang amo na si detained businesswoman Janet Napoles.

Tinukoy ni Suñas sa pagpapatuloy ng bail hearing petition ni Napoles sa Sandiganbayan 3rd division sina Senators Loren Legarda, Bongbong Marcos at Tito Sotto.

Anya, ang naturang mga mambabatas kasama ang ilan pang kongresista ay nagbigay ng kanilang PDAF sa pekeng NGO ni Napoles.

Sinabi ni Suñas sa hearing na isang Maya Santos ang ginamit nilang agent para makipag-deal kay Napoles.

“Pumupunta po si Maya Santos sa opisina ng JLN Corporation para i-submit ang mga SARO (Special Allotment Release Order), endorsement letter at iba pang dokumento galing sa opisina po nila Senators Legarda, Marcos at Sotto…Ginawan ko po nga separate folder bawat senator and other lawmakers,” ayon kay Sunas.

Bukod anya sa tatlong senador may mga datihan ng mga kongresista at mga nananatiling nakaupong kongresista ang may transaksiyon kay Napoles tulad nina Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, Abante Mindanao Party-List Rep. Maximo Rodriguez, at ilang kongresista na pinangalanan lamang nitong Umali, Ortega, Cagas, Fuentebella, Estrella, Biazon at Olaño.

Show comments