Jeepney driver solo winner ng P13-M lotto

MANILA, Philippines – Solong napanalunan ng isang jeepney driver ang mahigit P13 milyon jackpot sa 6/42 lotto draw.

Ayon kay PCSO acting chairman at general manager Jose Ferdinand Rojas II, kinubra na kamakalawa ng 57-anyos na jeepney driver mula sa San Jose del Monte, Bulacan ang kabuuang P13,528,000.

Tinamaan ng masuwerteng driver ang winning combination na 10-12-15-16-21-26 noong March 6 na pinagsama-samang petsa ng kapanganakan ng kanyang pamilya.

Plano ng driver na mayroong isang anak na magdonasyon sa kanilang simbahan, bumili ng jeepney units at balatuhan ang kanyang mahihirap na kaanak.

Show comments