Estudyante Blues ‘di na kakantahin ni PNoy

File photo

MANILA, Philippines – Ayaw na raw kantahin ni Pangulong Aquino ang kanyang paboritong OPM song na Estudyante Blues na pinasikat ng singer na si Freddie Aguilar.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa Malacañang, hinding-hindi na raw muli kakantahin ng Pangulo ang nasabing kanta dahil na rin sa lyrics nitong “Ako ang nakikita?Ako ang nasisisi Ako ang laging may kasalanan”.

Biglang hindi na raw paborito ni PNoy ang nasabing kanta matapos ang Mamasapano incident kung saan ay halos siya ang gustong sisihin ng kanyang kritiko sa nangyari sa SAF 44 na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ang kantang Estudyante Blues ang palaging kinakanta ni Pangulong Aquino sa tuwing hihilingan ito na umawit.

Show comments