^

Bansa

OFW binitay sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang pinatawan ng parusang kamatayan sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na napatunayang nagkasala sa kasong murder.

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo kay Joven Esteva  kahapon ng alas-9:00 ng umaga, oras sa Riyadh. 

Ayon sa DFA, pinatawan ng parusang kamatayan si Esteva, isang family driver, dahil sa pagpatay nito sa kanyang Saudi employer noong 2007.

Sabi ni DFA spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, mariing tumanggi ang pamilya ng biktima na patawarin ang OFW sa kabila ng mga hakbang na isinagawa ng pamahalaan ng Pilipinas. 

Siniguro naman ni Jose na sapat ang ayudang legal na ipinagkaloob ng gobyerno para kay Esteva.

 

ASSISTANT SECRETARY CHARLES JOSE

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTEVA

JOVEN ESTEVA

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

KINUMPIRMA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PILIPINAS

RIYADH

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with