MANILA, Philippines - Isa na namang karangalan ang natamo ng Pilipino Star NGAYON matapos makopo ang kategoryang Best Tabloid Newspaper na ipinagkaloob ng UmalohokJUAN Awards 2015 ng Lyceum of the Philippines University.
Ang UmalohokJUAN Awards 2015 ay nagpaabot ng anunsyo kay Al Pedroche, editor-in-chief ng Pilipino Star NGAYON sa liham na may petsang Marso 4, 2015, na nilagdaan ni Rizalina A. Cruz, Dean ng College of Arts and Science at pamumuno sa Department of Mass Communication, Journalism and Multimedia Arts of the College of Arts and Science of the Lyceum of the Philippines University- Manila.
Nakopo ng Pilipino Star NGAYON ang gantimpalang “Best Tabloid Newspaper” matapos ang voting process LPUCommunity na kinabibilangan ng 12,892 estudyante, 420 faculty members, at 245 admin/non-teaching personnel mula sa Manila, Makati, Batangas, Laguna, at sa Cavite.
Gaganapin ang awarding ceremony sa Marso 18, 2015 ng hapon sa Jose P. Laurel Hall of Freedom, Lyceum of the Philippines University, Muralla Street, Intramuros, Manila City.
Kabilang din sa tatanggap ng gantimpila sa 2nd Year ng UmalohokJUAN Awards 2015 ay mula sa telebisyon, radio broadcasting, advertising at public relations.