MANILA, Philippines – Umiskor din ang militar sa pagkakakubkob sa dalawa pang malalaking kampo ng BIFF habang apat na rebelde ang naaresto.
Alas- 2:50 ng madaling araw kamakalawa nang magsagawa ng assault operations ang Joint Task Force Central sa kuta ng BIFF sa Brgys. Dabunayan at Liab.
Agad pinalibutan ng tropa ng militar ang kampo at nasukol habang papatakas sina Aladin Panaydan, 22; Daud Balogat, 23; Ebrahim Oraw, 40 at Adbul Madalidaw, 33.
Ayon kay Cabunoc, ginamitan ng martial arts na kung tawagin ay Pikita Tersia Kali ng elite team ng Force Recon Company sa ilalim ng 6th Marine Battalion Landing Team na kasama rin ng Philippine Army sa operasyon ang apat na bandido na ginapang at nakorner habang nagbabantay sa bukana ng kuta ng BIFF.
“Four of the Marines disarmed the bandits using their skills in Pekiti-Tirsia Kali. No shots were fired in that particular operation,” ani Cabunoc.
Narekober mula sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol na may magazine at anim na rounds ng bala; isang cal .45 Thompson sub machine gun, Improvised Explosive Device (IED) paraphernalia, apat na mobile phones at sari- saring gamit pandigma at mga dokumento.
“The capture of the camps only proves that the BIFF is involved in the manufacture of IEDs and is establishing strongholds in the different areas within the vicinity of the SPMS (Salvo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak) box,” pahayag ni Kakilala.
Ito na ang ikatlong kampo na nabawi ng pamahalaan.