^

Bansa

Permit sa martsa para sa Fallen 44 kinansela

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela ng pamahalaang lungsod Quezon ang permit to rally na ibinigay sa PNP Academy Alumni Association Inc. kaugnay ng “March for Justice for SAF Fallen 44 commandos” mula Camp Crame, Cavite patungong Quezon City Memorial Circle na itinakda sana sa Marso 8.

Sinabi ni ret. Chief Supt. Tomas Rentoy III, ­PNPAAAI chairman, ikinatwiran ng QC government ang isyu ng seguridad sa pagkansela sa kanilang hininging permit para sa ‘march for justice’ sa SAF 44.

“Basically, ang concern daw nila ay security at baka raw mahaluan ng maka-kaliwa na manggulo at hindi raw ma-kontrol,” pahayag ni Rentoy.

Ang ikinasang sympathy walk ay lalahukan ng mga biyuda, pamilya at kaibigan ng SAF 44 at maging ng iba pang mga grupong nagkakaisa para sa pagkakamit ng hustisya.

Sinabi ni Rentoy na disiplinado ang kanilang grupo at bukod dito ay may itinalaga silang mga marshalls para maging maayos at mapayapa ang idaraos sanang rally. Muli nilang hihilingin sa QC government na ikonsidera ang desisyon para sila makapagdaos ng ‘sympathy walk’.

ACADEMY ALUMNI ASSOCIATION INC

CAMP CRAME

CAVITE

CHIEF SUPT

KINANSELA

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

RENTOY

SINABI

TOMAS RENTOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with