MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang kapangyarihan ng Moro National Liberation Front (MILF) na katawanin ang buong Bangsamoro at makipag-negosasyon para sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Naniniwala si Santiago na dapat maging malinaw kung paanong ang MILF naging kinatawan ng iba pang breakaway groups katulad ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Hindi rin aniya malinaw kung sino ang may karapatan kumatawan sa mga Muslim sa teritoryong masasakop ng BBL.
Isa si Santiago sa mga senador na naniniwalang labag sa Konstitusyon ang BBL dahil magtatayo ng isang estado sa loob ng Pilipinas.
Naniniwala rin ang senador na idedeklarang unconstitutional ng Supreme Court (SC) ang panukala kahit makalusot sa Kongreso.
Ilang senador ang nagsabing hindi maaaring ipasa ang BBL hangga’t hindi nalilinaw ang mga probisyon na hindi naaayon sa Saligang Batas.
Payo ng senador, bumuo ng isang review committee na muling susuri sa mga probisyon ng BBL para hindi na anya mapahiya ang Palasyo.