MANILA, Philippines – Hindi na kokontrahin ng Malacañang ang desisyon ng mga mambabatas na amyendahan ang ilang probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Partikular dito ang pagkakaroon ng sariling police force at constitutional body na ayon sa mga mambabatas ay labag sa Konstitusyon.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, lahat ng mga batas na ipinapasa ng Kongreso ay dapat tumatalima sa saligang batas.
Sa kabila nito, nagkakaisa ang Ehekutibo at Kongreso sa layuning ipasa ang BBL bilang mahalagang hakbang sa prosesong pangkapayapaan.
Una nang iginiit ni Pangulong Aquino sa mga kongresista na ipasa ang orihinal na bersyon ng BBL na dumaan sa masusing pagsusuri ng legal team ng Palasyo.