^

Bansa

SAF 44 idudulog sa UN

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta ang oposisyon sa Kamara na i-aakyat nila sa United Nations (UN) ang usapin sa isyu ng malagim na eng­kwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan nasawi ang 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).

Sinabi nina Abakada Rep. Jonathan dela Cruz at Buhay Rep. Lito Atienza, na pinag-iisipan na nila ito dahil wala namang malinaw na pinupuntahan ang kaliwa’t kanang im­bestigasyon ng Ehe­kutibo, Senado at PNP sa insidente.

Nilinaw pa ng mga kongresista na hanggang maaari ay ayaw nilang i-internationalize ang naturang isyu subalit mas­yado na umano itong kumplikado.

Maging ang pamilya umano ng SAF 44 ay nangangamba na walang mangyayari sa pagbubuwis ng buhay ng kanilang mahal sa buhay.

Pinayuhan naman na may halong patutsada ni dela Cruz ang Malakanyang at sinabing dapat palitan na ang scriptwriter nito dahil palpak ang trabaho sa paiba-ibang linya ng Palasyo kaugnay sa Mamasapano massacre.

Giit pa ng mga kongresista, nakaka-tatlong script na umano ang Ma­lakanyang subalit nagkakabuhol-buhol at nagkakasabit-sabit pa rin si Pangulong Aquino.

ABAKADA REP

BUHAY REP

CRUZ

GIIT

LITO ATIENZA

MAMASAPANO

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with