MANILA, Philippines - Ang Carlos Palanca Foundation, Inc. (CPF) ay tumatanggap na ngayon ng mga lahok para sa ika-65 pagtatanghal ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards).
Ang mga kategoryang Novel at Nobela, na parehong binubuksan para sa mga lahok tuwing dalawang taon lamang, ay inihahandog ngayong 2015 na patimpalak. Tanging mga hindi pa nailalathala o nagagawang mga akdang pampanitikan, (na hindi pa naibabahagi sa madla, naging paksa ng isang pampublikong pagganap, o nailathala), ang maaaring isali sa patimpalak.
Ang mga nagnanais sumali sa patimpalak ay maaari lamang magpasa ng isang lahok sa bawat kategorya. Ang mga contest rules at forms ay makukuha sa alinmang opisina ng Palanca Foundation o maaaring i-download mula sa opisyal na Palanca Awards website sa www.palancaawards.com.ph.