Mamasapano probe ituloy -- 33 solons

MANILA, Philippines - Gusto ng may 33 kongresista sa Kamara na ituloy ang imbestigasyon sa Mamasapano massacre. 

Nagpadala ng sulat kay House Speaker Feliciano Belmonte ang ilan sa mga militanteng kongresista na nilagdaan naman ng 33 kongresista para bigyan linaw ang pangyayari sa nasabing lugar.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, gusto niyang makuha ang record ng palitan ng text messages nina PNoy at dating PNP chief Alan Purisima para mas maintindihan ng publiko.

Nauna rito, sinuspindi sa Kamara ang imbestigasyon habang hindi pa nakukumpleto ang report ng PNP board of inquiry.

Show comments