^

Bansa

PNP, AFP nagkakaisa sa katotohanan - Mar

Malou Escudero at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni DILG Sec. Mar Roxas na nagkakaisa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines  (AFP) sa kabila ng isyu sa Mamasamapo, Maguindanao.

Aniya, subok at maa­yos ang pundasyon ng kanilang samahan sa mga nakalipas na ilang taon at hindi ito masisira kailanman.

Sa pagdinig ng Senado kahapon nalinawan nang magkabilang panig ang isyu sa Maguindanao.

Kaugnay nito, iginiit nii Roxas na pawang katotohanan lamang ang kanyang inilalahad batay na rin sa kanyang nalalaman sa Mamasapano operation.

“I have been and always will tell the truth”   ayon kay Roxas sa paggiit ni Sen. Nancy Binay na dapat katotohanan lamang ang sabihin niya kung sino ang may res­ponsibildad na magsabi kay Pangulong Aquino.

Ipinaliwanag pa ni Ro­xas na simula pa sa umpisa ay alam naman ng lahat na wala silang kinala­man ni acting PNP Chief Deputy Director Leonardo Espina sa Oplan Exodus.

“I did not in anytime commit what you are implying in your statement. Masasabi lang namin sa Pangulo kung ano lang ang nalalaman namin,” dagdag pa ni Roxas.

Nauna ng inamin ni resigned PNP chief Alan Purisima na siya ang nagsabi sa Pangulo sa operasyon at sadya niyang hindi pinaalam kina Roxas at Espina.

Si Roxas din ang nagsabi na mali o “wrong information” ang natanggap ni Pangulong Aquino batay na rin sa lumalabas sa imbestigasyon na inayunan din ng ilang mga mambabatas.

ALAN PURISIMA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF DEPUTY DIRECTOR LEONARDO ESPINA

MAGUINDANAO

MAR ROXAS

NANCY BINAY

PANGULONG AQUINO

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with