PDEA: 190 kawani ng gobyerno sabit sa drug trade noong 2014

 

PDEA: 190 kawani ng gobyerno sabit sa drug trade noong 2014

MANILA, Philippines – Mas dumami ang mga kawani ng gobyerno na nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakaraang taon kumpara noong 2013.

Umabot sa 190 tauhan ng gobyerno ang nadakip ng PDEA, kung saan 56 dito ay mga opisyal, 49 ang tagapagpatupad ng batas, habang 85 ang mga empleyado.

Tumaas ng 37.68 percent ang naturang bilang kumpara sa 138 noong 2013.

Sa 56 na naarestong opisyal ng gobyerno, isa ang alkalde ng Matanog, Maguindanao, habang ang 55 iba pa ay mga taga barangay.

Sa mga nadakip na tagapagpatupad ng batas, isang police chief inspector naman ang may pinakamataas na ranggo.

Karamihan sa mga nasakote ay nasa Ilocos Region (25), Eastern Visayas (22), Zamboanga Peninsula (10), habang walo sa Northern Mindanao.

"It is alarming that more and more government officials and law enforcers are getting involved in illegal drug activities when they are supposed to implement the law, maintain peace and order in their area and promote the well-being of the people," pahayag ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr.

Show comments