MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes na walang kabilang na tropang Amerikano sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero.
Si DFA Undersecretary Evan Garcia ang dumalo at nagpaliwanag sa papel ng US troops sa ikaapat na pagdinig ng Senado ngayong Lunes sa madugong bakbakan sa Mamasapano.
"There was no US involvement in the operation. It was 100 percent Filipino planned and implemented," giit ni Garcia.
Sa isang executive session ng Senado nitong nakaraang linggo, sinabi ng nasibak na SAF commander Getulio Napeñas na ginamit ang US surveillance plane upang matiyak ang kinaroroonan ng Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Nauna na ring itinanggi ng pamunuan ng PNP na walang Amerikanong lumahok sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 pulis.