^

Bansa

Lider na may tapang kailangan ng Pinas - 4K

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na kailangan ng Pilipinas ang isang lider na may kakayahang disiplinahin ang pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pagnanakaw.

Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan na sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga lider na nasangkot sa pangungurakot at pagnanakaw, panahon na upang magkaroon tayo ng lider na tulad ng mga kongresistang hindi tumanggap at nakinabang sa pork barrel tulad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP).

“Kailangan natin ang lider na may tapang na lulutas sa dalawang pa­ngunahing problema ng ating bansa---korupsiyon ng mga nanunungkulan sa bayan at sobrang krimen o kawalan ng kapayapaan at kaayusan,” wika ni 4K vice-president Ronald Mendoza. 

“Hangga’t hindi natin nailuluklok sa Malakanyang ang lider na lulutas sa dalawang mabigat na isyung ito, mahirap na­ting matamo ang minimit­hi nating kaunlaran,” dagdag pa ni Mendoza.

Ayon sa 4K, may ilang lider na tiyak na igagalang ng mga ka­sapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at iyon ang kailangan nating iluklok sa Malakanyang.

“Madali natin itong matutukoy kung mag-aanalisa tayong mabuti dahil ang kailangan talaga natin ay isang tunay na lider na irerespeto ng pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pandarambong sa kaban ng bayan,” paliwanag pa ni Mendoza.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

LIDER

MALAKANYANG

MENDOZA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with