BIFF gusto ng rematch sa PNP
MANILA, Philippines – Walang balak ibalik ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang mga nakuhang armas ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).
Sinabi ni BIFF spokesman Azis Mama sa kanyang panayam sa dzMM na hindi naman nila ito hiniram sa PNP-SAF para isauli.
"It will be hard to return the 10 recovered firearms because we didn't borrow them. Just like in boxing, the enemy was knocked down so we will not return the belt we obtained unless there's a rematch," pahayag ni Mama.
Kaugnay na balita: Islamic state giit ng BIFF sa Mindanao
Umabot sa 44 miyembro ng PNP-SAF ang nasawi sa engkwentro nila ng BIFF at Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano, Maguindanao.
Nauna nang sinabi ng BIFF na nasa kanila ang ilang armas ng SAF na napatay nila at kung gusto itong kunin ng gobyerno ay ibabalik nila ito, ngunit sa hindi magandang paraan.
"Let them come here and take bullets that they want us to return," sabi ni Abu Misra.
Kaugnay na balita: Isinoling armas ng SAF 44 chop-chop na!
Nitong kamakalawa ay ibinalik ng MILF ang mga nakuhang armas ng PNP-SAF ngunit sinabi ng Palasyo na hindi ito sapat na dahilan upang pagkatiwalaan sila agad.
- Latest