^

Bansa

DOJ sa telcos: Maglagay ng ‘kill-switch’ sa cellphones

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela si Justice Secretary Leila de Lima sa  mga telecommunications company na maglagay ng safety features sa mga cellphones upang mabigyan ng proteksiyon ang mga user.

Ayon sa kalihim, ang ‘kill-switch feature’ ay isang software na maaaring ma-activate kahit nasa ibang lugar kapag ang cellphone ay nawala o kaya ay na­nakaw.

Sa sandaling ma-activate ang kill-switch, mawawala ang lahat ng mga data na naka-save sa cellphone, mamamatay din ang telepono at hindi na maaring magamit pa.

Pinaliwanag pa ni de Lima na hindi na kailangan ang legislation o idaan pa sa Kongreso ang paggamit ng kill-switch dahil ito ay dapat na pananagutan ng mga telcos para maiwasan ang krimen at matiyak na ang teknolohiya ay nagagamit sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaayusan.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod nang naging tagumpay ng pilot project sa London at dalawang malaking lungsod ng United States kung saan napatunayan na malaki ang binaba (o umabot lamang sa 40 percent) sa nakawan ng mga cellphone mula nang ilagay ang ‘kill-switches’.

AYON

GINAWA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KONGRESO

PINALIWANAG

UMAPELA

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with