^

Bansa

Ecowaste nagbabala sa binibiling lucky charms

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Ecowaste sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng lucky charms enhancers matapos mabatid na nagtataglay ang ilan sa mga ito ng toxic chemicals.

Nabatid ng grupo ang ganitong panganib matapos na bumili sila ng 20 Chinese New Year good luck charms at ornaments saka ginamitan ng scree­ning para sa toxic metals gamit ang isang po­rtable X-Ray-Fluorescence (XRF) device.

Ang samples, na nagkakahalaga ng P20-P250 bawat isa, ay nabili mula sa specialty stores at bangketa sa Binondo at Quiapo, Manila.

Sa bawat XRF scree­ning, 13 mula sa 20 samples ay nagtataglay ng mataas na kantidad ng lead, arsenic at chromium, tatlo ay may mataas na lebel ng antimony at isa ay labis ang dami ng cad­mium, ayon pa sa Eco­waste Coalition.

Ang Arsenic, cadmium at lead ay ilan sa mga “top ten chemicals of major public health concern,” ayon sa World Health Orga­nization (WHO).

ANG ARSENIC

ARSENIC

BINONDO

CHINESE NEW YEAR

ECOWASTE

NABATID

SHY

WORLD HEALTH ORGA

X-RAY-FLUORESCENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with