Higit P1 oil price hike nakaamba uli

Higit P1 oil price hike

MANILA, Philippines – Nagbabadya na mu­ling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P1 hanggang P1.50 ang itataas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Bunsod umano ito ng pagmahal ng presyo ng langis sa world market.

Noong nakaraang linggo, higit P2 ang itinaas sa kada litro ng gasolina at halos P2 naman sa kada litro ng diesel.

Show comments