‘Pink jeepneys’ inilunsad ng LTFRB

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon sa Valentine’s Day ang “pink jeepneys”, ang pampasaherong jeep na inilaan para sa mga kababaihan, kabataan, senior citizens at mga may kapansanan.

Katulong ng LTFRB sa proyekto ang Guadalupe Cembo Pateros Jeepney Operators and Drivers Association.

May 14 unit na papasada sa rutang Guadalupe, Makati hanggang Pateros.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Gines, ang pink jeepneys ay sasagip sa mga kababaihan, kabataan, senior citizen at PWD tuwing rush hour para ihatid sa kani-kanilang destinasyon dahil sila ang prayoridad na isakay ng mga driver sa pink jeepneys.

Umaasa naman si Gines na dadami pa ang pink jeepneys na sasalba rin sa dami ng pasahero sa ibang lugar laluna kung rush hours.

 

Show comments