Kariton Klasrum palakasin – Villar
MANILA, Philippines - Itinutulak ni Las Piñas Congressman Mark A. Villar ang pagpapalakas ng proyekto ng DepEd na “Kariton Klasrum.”
Sa House Resolution No. 1867, inatasan ni Villar ang Committee on Basic Education na aralin ang Kariton Education Project ng DepEd upang tingnan kung ito ay epektibo para mapagtibay ito at maitatag sa pamamagitan ng batas.
Inilunsad ng DepEd ang Kariton Klasrum project, na naka-modelo sa proyekto ni 2009 CNN Hero of the Year Efren Penaflorida, Jr., bilang bahagi ng pagdadala ng edukasyon sa mga batang kalye at out-of-school youth.
Mula ng inilunsad ang Kariton Klasrum Project noong 2012, naging mabagal ang pagpapatupad nito.
“Edukasyon ang isa sa pinaka-elementarya at pinakamahalagang salik sa pagpapaunlad ng isang bansa. Nakaka-alarma ang dami ng bata sa ating bansa na hindi nabibigyan nito,” sabi ni Villar.
Ayon sa data mula sa DSWD, noong 2013 mayroong mahigit pa sa 5,000 batang kalye at out-of-school youth sa Metro Manila pa lang.
- Latest