^

Bansa

$5M reward ‘di mapupunta sa Fallen 44

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi umano mapupunta sa mga pamilya ng nasawing 44 Special Action Forces (SAF) troopers ang US$5 milyong reward na nakapatong sa ulo ni Jemaah Islamiyan (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan.

Nilinaw ng police attache sa Philippine Embassy sa Estados Unidos na si Sr. Supt. Jose Gentiles na mga civilian informant lang ang maaring tumanggap ng pabuya mula sa US government.

Hindi rin umano ito maaaring mapunta sa mga tauhan ng gobyerno tulad ng SAF, PNP o AFP na kasama sa operasyon laban sa international terrorist.

“Ang binibigyan po ng bounty are those who gave the information. It’s an incentive para po ma-speed up ‘yung pag-locate ng isang wanted person,” sabi ni Gentiles sa ABS-CBN news.

Nabatid na dalawa umanong miyembro ng MILF ang nagsilbing tipster ng mga awtoridad para matumbok ang kinaroroonan ni Marwan.

Ang nasabing 2 MILF members ang nagsilbing guide ng SAF commandos sa paglusob sa Brgy. Pidsandawan at Brgy. Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao.

Si Marwan ay sinasabing napaslang sa bakbakan kung saan nagawang madala ng SAF survivors ang pinutol na ‘index finger’ nito para maisailalim sa DNA test ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Nang matanong naman si PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, sinabi nito na hinihintay pa ng PNP ang opisyal na report kung sino ang mga masuwerteng tipster.

May sarili anyang mekanismo ang US sa pagbibigay ng reward at para ito sa masuwerteng tipster.

Bukod sa $5M reward ng US ay tatanggap rin ang tipster ng P7.4M reward sa makapagtuturo kay Marwan mula sa gobyerno at $2M para sa pinagha­hanap pang si Abdul Basit Usman.

ABDUL BASIT USMAN

BRGY

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GENEROSO CERBO

JEMAAH ISLAMIYAN

JOSE GENTILES

MARWAN

PHILIPPINE EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with