MRT 3 rehab pinabibilisan
MANILA, Philippines - Hiniling ng may-ari ng MRT 3 na bilisan ang pagsasagawa ng rehabilitasyon nito dahil nakakaalarma na ang sitwasyon nito upang masiguro ang kaligtasan ng mga commuters ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3).
Sinabi ni MRT Holdings II Inc. Chairman Roberto Sobrepena, nakakaalarma na ang sitwasyon ng MRT 3 kaya kailangang madaliin ang rehabilitasyon ng railway system upang masiguro ang kaligtasan ng commuters at maibalik sa original capacity ito.
“The rehabilitation and proper maintenance of the system can not wait. We must take any and all steps needed to restore the system to make it safe and reliable for the riding public,” wika pa ni Mr. Sobrepena.
Aniya, ang mabilisang pagsasaayos ng riles ang susi at dapat prayoridad para sa kaligtasan ng mananakay nito at kapag naisagawa ang rehabilitasyon nito mula sa isang mapagkakatiwalaang kumpanya na may track record at financial capacity ay maibabalik na ang original capacity ng MRT 3 at maiiwasan na ang mahabang pila ng mga commuters.
Naniniwala rin si Sobrepena sa ulat ng MTR Hong Kong noong December 2014 kung saan ay dapat nang palitan ang mga lumang riles para na rin sa kaligtasan ng sasakay sa tren.
“The present maintenance provider has admitted that it has no spare rails. Clearly, rails must be bought. The system is already under an emergency situation. A worldwide search must be made to find a ready and steady supply of rails from a reputable manufacturer. In addition, the system must also be restored back to having all 73 cars operable to reduce not only the long queues but safety concerns as well,” dagdag ni Sobrepena.
Iniharap na ng LRTH-ll sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang fast-track proposal para sa rehabilitasyon ng MRT 3.
Pinuna rin ni Sobrepena ang pagkabigo ng 2 bidding na ipinatawag ng DOTC para sa maintenance provider ng MRT 3 kung saan ay hindi kinonsulta ang private owners ng MRT na paglabag sa build-lease-transfer agreement.
- Latest