‘AFP, PNP hindi kayo magkalaban’ - Chiz
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kahapon ni Sen. Chiz Escudero ang liderato ng Philippine National Police(PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila ang magkalaban at hindi dapat magkaroon ng alitan dahil sa Mamasapano incident.
Ayon kay Escudero, dapat tumigil ang AFP at PNP sa palitan ng mga salita sa publiko.
“You are not at war with each other, so shut up and stop fighting in public,” ani Escudero.
Ayon pa kay Escudero, bilang commander-in-chief dapat ng manghimasok si Pangulong Aquino upang patigilin ang PNP at AFP sa pagpapalabas ng mga hindi nakakatulong na pahayag.
Sa halip na mag-away sa publiko, dapat daw dalhin na lamang ng PNP at AFP ang kanilang mga hinaing sa Board of Inquiry (BOI) at sa iba pang panel na mag-iimbestiga sa Mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force.
Hindi rin aniya nakakatulong ang nangyayaring “word war” at nagmumukha lamang “unprofessional” ang pulisya at military.
- Latest