2 sibilyan patay din sa Maguindanao clash

MANILA, Philippines – Dalawang sibilyan na naipit sa madugong bakbakan sa pagitan ng Special Action Force (SAF) commandos at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao ang nasawi habang apat pa ang patuloy na ginagamot sa pagamutan.

Sa naantalang ulat, sinabi ni Myrna Angot, officer-in-charge ng Office of Civil Defense (OCD-ARMM), binawian na ng buhay ang mga biktimang sina Sara Panangulon, 5 anyos at Badrudin Langalan, 22.

Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang mga sugatang sina Tot Panangulon, misis nitong si Samra Panangulon; Saad Minidal, 15, Saed Sangkutin, 19.

Ayon kay Angot, nasa 1,324 pamilya o 6,620 katao mula sa anim na barangay ang naapektuhan ng bakbakan.

Show comments